WE ACCEPT CCTV CAMERA INSTALLATION AND COMPUTER SERVICES, NETWORK / FIBER OPTIC / WIRELESS CCTV, REMOTE CONFIGURATION, PLEASE CALL OR TEXT @ SUN +63 0932-1712155 / GLOBE +63 0995-0776502

Thursday, May 14, 2020

Palasyo, binigyang-diin na maliit lamang ang pinagkaiba ng Modified ECQ sa mismong ECQ


Binigyang-diin ng Palasyo na nananatiling Enhanced Community Quarantine ang Modified ECQ kaya’t walang rason para magpa-kampante ang publiko.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos ipasailalim sa Modified ECQ ang Metro Manila, Laguna at Cebu City, simula May 16 hanggang May 31, 2020.

Ayon sa kalihim, ang modified ECQ ay maituturing na transition phase patungong GCQ, dahil unti-unti aniyang bubuksan ang ekonomiya.  Suspendido pa rin ang lahat ng physical classes at limitado pa rin ang mga transporting services para sa mga essential goods at services.

Sa ilalim ng Modified ECQ, madaragdagan ang mga piling establisimyento na maaaring mag-operate, ngunit mananatiling hanggang 50% lamang ang maximum capacity ng operasyon ng mga ito.

Ayon kay Secretary Roque, ngayong araw isasapinal ng IATF ang listahan ng mga sektor o industriyang papayagang makabalik operasyon sa ilalim ng Modified ECQ.

Ayon naman kay Department of Health (DOH) Undersecretary Rosette Vergeire, bukas inaasahan ang pinal na listahan ng mga lugar na mapapabilang sa Modified ECQ.

Ang mga LGUs na kabilang sa Modified ECQ ang tutukoy sa mga barangay sa kanilang 

nasasakupan na may mataas na kaso ng COVID-19 upang mapanatili ang mga ito sa ilalim ng ECQ.

Source: http://www.radyopilipinas.ph/rp-one/articles/national/palasyo-binigyang-diin-na-maliit-lamang-ang-pinagkaiba-ng-modified-ecq-sa-mismong-ecq

No comments:

Post a Comment

Doc Rivers speaks out on Michael Jordan-LeBron James GOAT debate

Rivers, who played against Jordan and has coached versus LeBron, told ESPN he’s always going to take Mike over the field until he sees so...