WE ACCEPT CCTV CAMERA INSTALLATION AND COMPUTER SERVICES, NETWORK / FIBER OPTIC / WIRELESS CCTV, REMOTE CONFIGURATION, PLEASE CALL OR TEXT @ SUN +63 0932-1712155 / GLOBE +63 0995-0776502

Monday, May 4, 2020

Dagdag na 5-milyong indibidwal, nais ni PRRD na maihabol sa 1st tranche ng SAP



Nais ipahabol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang may limang milyong mga indibidwal na dapat mabigyan ng financial assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) para sa unang bugso ng SAP.

Ito ang ibinunyag ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa gitna na rin ng napakaraming reklamong hindi pa rin nakakatanggap na gayung ayuda ang maraming mga qualified beneficiaries.

Kaya sa dating 18-milyong target na mabigyan ng SAP, mangangahulugang papalo na sa 23-milyong mga kuwalipikadong makatatanggap nito ang pipilitin ng pamahalaan na mabahaginan ng nasabing ayuda.

Hindi na daw updated ang 18-million target na mabigyan gayung ang datos ay noon pang 2015.

Ang hakbang ng Pangulong Duterte ayon kay Roque ay katunayan lang na gusto talaga ng Presidente na ang lahat ay mabibigyan at hindi malalampasan ng kailangang tulong ngayong panahon ng krisis.

Source: http://www.radyopilipinas.ph/rp-one/articles/national/dagdag-na-5-milyong-indibidwal-nais-ni-prrd-na-maihabol-sa-1st-tranche-ng-sap

No comments:

Post a Comment

Doc Rivers speaks out on Michael Jordan-LeBron James GOAT debate

Rivers, who played against Jordan and has coached versus LeBron, told ESPN he’s always going to take Mike over the field until he sees so...